tulala sa karimlan,
nakatitig.. nakatingin.
sariwa pa sa alala,
iyong ngiti, iyong mata
mga talang sa gabi'y matingkad
ngiting sa kalawaka'y walang katulad.
samyong nagtatagal,
nagpapaalala.. nagbabalik.
natuyong talulot.
nararamdama'y nawawalan ng saplot.
hindi nagbabago ang panaginip,
ang puso, ganoon pa rin ang himig.
isa lang ang hinihintay,
isa lang ang gabay.
pangako'y patuloy na inaasahan
salitang patuloy na pinaniniwalaan.
ang tinig tila'y bulong na lang ng nakaraan,
mga binibigkas hindi na kailangang pakinggan.
ang lahat ay isa lamang kahapon
mga alaalang mabuti pa'y itapon.
hindi na mahalaga ang mga sasabihin pa
dahil alam kong tapos na.
halata sa mga mata
ang nais ng kaluluwa
hindi na kailangang magsalita pa...
dahil para sa'yo matagal nang wala.





